Dulo

Dulo

Panahong kasama ka
Puno ng saya, ng tuwa pusong nahulog sayo
Ngunit pusong nahulog sa iyong bitag
Ay iyong pinakawalan, iniwan
Sapagkat kulang ang sayang hatid para ika'y manatili..

Mga pangarap kasama ka, mga planong ginawa
Na sa hinaharap ay ating gagawin
Pero mga plano'y isa na lamang ilusyon
Sapagkat paano pa mangyayari
Kung ang kulay ay iyong dinala kasama ng iyong paglisan
Isa na lamang larawan na iuukit sa mga tala..

Sa sandaling panahong hinubog ng tadhana
Tinuruan mo ang pusong lumaban
Pero sapat na bang lumaban upang hanggang huli'y makasama? 
Hindi parin sapat
Sapagkat ikaw ang unang sumuko
Paano pa lalaban kung ang kasama mo sa digmaa'y
Iniwan ka, sumuko na..

Pinaramdam mong ako'y may karapatan parin'g mahalin
Pinaalala mo ang pag-ibig na nakalimutan
Ngunit sa hinagap ng panahon
Init ng pagmamahala'y biglang nanlamig
Ayun pala'y malapit na sa dulo
At ito tayo nasa dulo.
Advertisements
Pag-ibig

Pag-ibig

May mga pagkakataong ang sarap sa pakiramdam ang magmahal

Pero may mga pagkakataong ang sakit din palang magmahal

Ipaparamdam sayong importante ka

At sa susunod ay baliwala ka na

Kay sakit pero kay sarap din

Dahil alam mong mahal ka rin ng taong minamahal mo

Pero paano kung ang pagmamahal na iyon ay siya rin’g sisira sa pagkatao mo?

Sisirain niya ang tiwala mo sa iyong sarili?

Sisirain niya ang ngiti sa iyong mga labi?

Hindi sa lahat ng pagkakatao’y laging saya ang hatid, dahil dadaan ang unos

Ang unos na siya dapat niyo, mong, paghandaan

Hindi lang dapat siya ang iyong pahalagahan at mahalin

Matuto rin tayong alagaan ang ating mga sarili.

Prince

Prince

Olived skin, knitted brows, and those deep scars

Eyes that holds a lot of secrets and words too cryptic for my shallow soul

And then I hold your hand and it felt good, too perfect

In a small smile,

I looked up at the sky and asked what did I do in this lifetime to deserve someone like you?

In a story ,

You and I were the main characters, in our own little bubble, happiness enveloping us.

Until,

The devil came in the picture to ruin everything

Looked up at the mirror and saw my own reflection

And I realized that it was I since the beginning

I made everything, from rainbows and butterflies

Into the darkness of my own insecurities and selfishness

And then the prince was eaten by the devil of his lover.

Goodbye 2017

Goodbye 2017

You started with those flashing bright lights

And now you’ll be ending the same way

How lucky you are

After the whole roller coaster ride for 365 days you never fail to surprise me

 

This is me saying goodbye to you

 

You, 2017, had given me a chance to see those true people in my life.

You made me grow with all the struggles you had thrown at me

You share to me the flaws of this world that I am not seeing nor care before

You lend me a hand for every downfall in all of these days

You made me feel all the emotions I thought I was not capable of

You are an eye opener, a dirty diary, a fake friend, and also a mentor.

 

Thank you 2017, despite all the challenges

I am still standing tall with all smiles and ready to bid you a goodbye

 

But this goodbye will not mean that I will forget your lessons

Because with all honesty, you are that person that may soon be leaving

But had given that unbelievable long term lessons into my life.

Sayaw

Sayaw

Nakakalungkot na sa bawat indak

ay may isang matang lumuluha

Sa bawat indayog idinadaan ang masakit na nangyari

Kinukubli ng sayaw ang kaluluwang naghihinagpis

Sana, sana ginalingan pa sa bawat galaw

At sa bawat saliw ng musika ay mas dinamdam

Hinawakan ko sana ng mahigpit iyong mga kamay

Sa entablado, sa likod ng entablado

Sa ating sayaw, at sa ating dalawa

Hindi ko dapat sinabayan lang ang tugtog ng musika

Sinabayan din dapat kita sa paborito mong musika

Ngunit paano pa kung ako na lang ang sumasayaw sa ating musika?

Simula ulo, pababa sa aking leeg at dibdib pabalik sa aking labi

Kamay ko’y naglakbay sa bawat dinaanan ng iyong labi

Aking mga luha’y unti-unting bumubuhos

Kasabay ng pagbagsak ng ulan

Suot ang kupas kong damit noong una mo akong nakita

Narito ulit ako sa entablado, umiindak sa saliw ng musika

Pero patay na ang mga ilaw, wala na ang mga tao sa paligid

Nag-iisa lang at sinasayaw ang paborito nating musika

Paulit-ulit ang indak, ang giling

Sabay nang mga alaala nating dalawa

At noong patapos na ang kanta, unti-unti ay bumagal ang galaw

Ipinikit ko ang aking mga mata

Isang luha ang muling bumagsak

Kasabay ng pagbagsak sa entablado