Ako’y nalulumbay
Aking minamasdan munting dagat
Bakit biglang naging payapa ka?
Iyong alo’y hindi ko makita
O baka hindi ka na abot ng alon…
Ikaw ba’y panatag?
Masaya sa kapayapaang iyong nakakamtan?
Mukhang maraming nagmamahal sayo
Sayong bagong anyo…
Sa ilalim ng buwan
Sa nakapaligid na mga puno
At sa harap ng dagat
Puso’y puno ng kapayapaan
Ngunit isip ay gulong-gulo
Isang tanong ang paulit-ulit na bumabalik
“Kung ang dagat ay may alon, asan ka na alon?”
Marahil ay nasa kawalan
Marahil napagod, babalik ka pa kaya?
Ngunit sa aking nakikita
Dagat ay masaya sa kanyang kinalalagyan
Siguro’y hindi ka na kailangan, alon
Ikaw nama’y kay lakas
Iyong panibagong tinahak
Ito’y kayang mong lagpasan
Wag ka lamang sanang maging marahas
Subalit kung pagbibigyan ng mga tala at ni bathala
Kayo’y muling magkita, alon at dagat
Sana’y wag na muling magkawalay
Dahil sa simula ng lahat
Ginawa ang dagat kasama ang alon
Kaya ang alon ay para dito, sayo dagat.
a.m.