Mga isip na laging nalipad
Daig pa ang lipad ng ibon
Puno ng mga tanong at baka sakali
Sakaling sa susunod, baka ako naman
Tuwing gabi, ako’y napapaisip
Mga tanong na ang bukas ang siyang makakasagot
Ang bukas na laging puno ng mga tanong.
Nagugulumihanan ka ba?
Ako rin, para sa aking bukas.