Ang pagmamahal sa iyo’y ginawa akong makasalanan
Pagnanasa
Ganda mo’y katangi-tangi
Ganda mo ako’y nabihag
Ika’y punong-puno ng kaakit akit na katangian
Aking pagnanasa’y para sa iyo lamang
Katakawan
Ako’y nauuhaw, nagugutom
Hanap ko iyong pagmamahal
Pinakamasarap na pagmamahal sa iyo’y nakamtan
Hanap-hanap iyong nakakabusog na pag-ibig sa araw-araw
Kasakiman
Iyong matatamis na ngiti ay akin lang
Ipagdaramot sa lahat ang isang rosas na katulad mo, na walang katulad
Ikaw ang aking kayamanan na ayokong mapunta pa sa iba
Ako’y sayo at ikaw ay akin lamang
Katamaran
Nakakatamad tumingin sa iba
Nakakatamad maghanap ng iba
Nakakatamad magmahal ng iba
Dahil nahanap na ang isang ikaw
Galit
Punong-puno ng init
Ang puso kong punong-puno ng pagmamahal sayo
Walang pwedeng manakit o makaagaw
Pagka’t galit ko’y inyong mararamdaman
Inggit
Laging may pangamba akong nadarama
Mga matang nakatingin sa aking rosas ako’y naiinggit, akin ka lamang
Gagawan ng paraan upang silang lahat ay matumbasan
Para ika’y manatili sa aking piling magpakailanman
Kahambugan
Aking ipagsisigawan sa madla
Na ang pinakamagandang rosas ay Akin
Aking ipagmamalaki sa lahat
Na wala ng pwedeng makaakin sayo kundi’y ako
Kung ang mahalin ang isang tulad mo ay kasalanan, ikaw ang kasalanan na aking uulit-ulitin sa araw-araw
Pitong nakamamatay na kasalanan at handang mamatay sa ngalan ng iyong pag-ibig, sinta.
—
Originally from Ira Niño Montenegro then I just made some revisions hehe