Pasilip naman kahit isang saglit
Iyong mga ngiti gusto’y muling makita
Iyong mga matang puno ng ning-ning
Parinig naman muli kahit isang saglit
Iyong boses na kay lambing sa umaga
Iyong tawang puno ng saya
Payakap naman kahit isang saglit
Iyong mga braso na siyang sandalan sa tuwing may problema
Iyong mainit na yakap na puno ng pagmamahal
Kahit isang saglit lang
Kahit isang saglit lang muli
Sana muli aking maranasan
Kung mayroon lang sanang oras
Para mabisita ka sa langit